Nangunguna ang Albay sa mga probinsiya pagdating sa pagkamalikhain sa larangan ng public governance. Malawak itong kinikilala dahil sa innovative approaches nito sa climate change adaptation, disaster risk reduction, at kaunlaran sa turismo na nagdudulot ng paglago ng lahat ng sektor sa kabila ng malimit itong hinahagupit ng mga kalamidad.

Para bang hindi pa sapat, nakikipagsapalaran ngayon ang Albay sa food tourism. Sa Abril 27-29, 2015, magtitipun-tipon ang mga tanyag na chef sa Legazpi city para sa maiden edition sa bansa ng Madrid Fusion, na itinuturing na pinakamahalagang Gastronomic Congress ng Spain. Ito ay showdown ng mga kilalang chef at lokal na culinary master na magpapaligsahan sa paglikha ng masasarap na pagkain na nakabase sa popular at paboritong putahe ng Albay. Suportado ito ng Department of Tourism (DOT) at ng kampanya nitong Flavors of the Philippines, at ito ang tampok sa isang buwang Daragang Magayon Festival 2015 ng Albay.

Ang nakatutuwa pa nito, marami ang nagpahayag ng pagsali sa food festival, lalo na ang mga exaptriate, diplomatiko, balikbayan at iba pang culinary enthusiasts. Kabilang dito ang popular na mga chef na nagkumpirma ng kanilang partisipasyon ay sina Chef Gene Gonzales at anak na si Chef Gino; Chef Rolando Laudico at maybahay nitong si Chef Jackie; at si Chef Boy Logro. Kasama ang mga lokal na culinary master, gagamitin nila ang kanilang pagkamalikhain sa pagkakaroon ng kani-kanilang bersiyon ng paboritong mga putahe ng Albay.

Ayon kay Albay Governor Joey Salceda, ang makatutulong ang Gastronomic Congress sa pagpapasarap lalo ng mga lokal na paborito ng Albay na pakikinabangan ang restaurant industry ng bansa, at magbigigay sa “culinary tourism a more defined and expanded role in tourism development.”

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ipinaliwanag ni Salceda na “Albay cuisines are very Pacific and Asian in character, and the use of gata, sili, pili, and the perfect additions of gabi leaves makes Bicol cuisine creations among the most flavorful culinary experience one can get anywhere in the Philippines.” Gaya ng sinasabi ni Salceda, ang pagkain ay hindi lamang kaakibat ng turismo kunti ito ay lehitimong industriya ng turismo mismo na nagkakaloob ng pinakamainam na gastronomic experiential adventure para sa mga turista.