Dog

PAANO maihahalintulad ang aso sa isang tasa ng yogurt? Ipinaliwanag ng researcher na si Kim Kelly sa isang post mula sa University of Arizona na ang mga aso ay maaaring may “probiotic effect” sa mga tao.

Ayon sa siyensiya, ang pagkakaroon ng aso ay nakabubuti sa kalusugan — halimbawa nito, ang mga batang may alagang aso ay mas mababang tsansa na magkaroon ng allergy at asthma, ayon sa ulat ng San Diego Union-Tribune. Inaalam pa ng mga mananaliksik ang dahilan.

“Microbes in our gut can have profound effects on our health, both our mental health as well as our physical well-being,” pahayag ni Kelly sa Arizona Public Media. Ang tanong: “Is there something in the transfer of these microbes between dogs and humans that is actually making us healthier?”

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Upang maisagawa ang imbestigasyon, plano ng grupo ni Kelly na magpahiram ng mga aso sa loob ng tatlong buwan upang pag-aralan ang magiging epekto nito sa mga kalahok, sa tulong din mula sa southern Arizona’s Humane Society. Hindi magkakaroon ng problema ang mga lalahok pagdating sa pangungulila kung napamahal na sa kanila ang mga aso dahil maaari nilang ampunin ang mga ito pagkatapos isagawa ang pag-aaral. - Yahoo News/Health