Hindi magbabago ang posisyon ng Simbahang Katoliko sa usapin ng pagkakaroon ng diborsiyo sa bansa sa kabila ng panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagpapakita na 60 porsiyento ng mga Pinoy ang nagnanais na maging legal ang deborsiyo sa bansa.

Sinabi ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales na walang anumang maaaring makapagpabago sa turo ng Panginoon kahit pa nais ito ng mamamayan.

“Even if it is 99 percent (surveyed favor divorce) what is wrong is wrong. It’s in the Bible unless you don’t believe in the Bible. There are just too many bright people nowadays,” wika ng cardinal.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3