Isang hindi kilalang lalaki na may sakit sa pag-iisip ang nanghablot ng bagong silang na sanggol at tinangkang i-hostage makaraang makapasok Western Visayas Medical Center sa Mandurriao, Iloilo kahapon.

Sa report ng Mandurriao Police Station, biglang pumasok sa ospital ang suspek na nakapaa lang at nagsisigaw na may nagtatangka sa kanyang buhay. Dumiretso ito sa OB Ward at hinablot ang isang bagong silang na sanggol at tinangkang i-hostage.

Agad naman nabawi ang sanggol nang lapitan ng ama ng sanggol ang suspek at sinuntok.

Muling nagtangkang mang-agaw ng ibang sanggol ang lalaki na tumakbo sa mga kama at patalon-talon sa higan ng mga bagong panganak ng pasyente.

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

Hinablot pa ng suspek ang dextrose ng isa sa mga pasyente na sinasalinan ng dugo.

Napigilan lang ang suspek nang dumating ang mga guwardiya ng ospital at itinali siya bago dinala sa psychiatric hospital.