Isa ang patay at dalawang ang malubhang sugatan sa pananambang ng 30 armadong kalalakihan dahilan sa agawan sa lupa sa Barangay Botong, Quezon sa lalawigan ng Bukidnon kahapon, iniulat ng Quezon Municipal Police Station (QMPS).

Kinilala ni Bukidnon Provincial Police Office spokesperson Insp. Jisselle Longgakit, ang namatay na si Mabini “Tata” Biato habang nasa kritikal na kondisyon sina Japsem Bagna at Ricky Tumbaga.

Sinabi ng pulisya, patungo sa Tribal Indigenous Oppressed Group Association (Tindoga) ang mga biktima upang magsagawa ng protesta laban sa Montalvan Ranch na sumasakop sa 300-ektaryang ancestral domain ng mga Lumad na pilit nilang inaangkin.

Ayon kay Longgakit, ang pananambang ay kagagawan ng mga security guard sa rancho na pag-aari ni Pablo Lorenzo.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Mariiing kinondena ni Jomorito Goaynon, chairman ng Kalumbay Regional Lumad Organization (KRLO), ang ginawang pagpatay sa kanilang katribu.

Nanawagan si Goaynon sa pulisya na kailangan na resolbahin ang nasabing kaso sa matagal nilang pakikibaka sa lupain na pag-aari ni Lorenzo na inangkin naman ng mga Lumad.