Ipinagutos ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na buksan ang mga health center sa lungsod para magbigay ng abot-kayang dialysis treatment para sa pasyente ng cancer sa iba’t ibang barangay ng Lungsod.Ang bubuksang dialysis center ay matatagpuan sa Barangay Toro Hills sa District 1, Barangay Donya Nicasia sa District 2, Barangay Escopa sa District 3, Barangay Kamuning sa District 4 at Novaliches sa District 5.

Aniya, kung ang isang cancer patient ay gumagastos ng P5,000 kada sesyon ng dialysis, sa mga health center ng Quezon City ay gagastos lamang sila ng P1,000 per session.

Ayon sa alkalde, ang Quezon City government ang babalikat sa nalalabing gastusin sa dialysis bilang ayuda ng lokal na pamahalaan sa mga cancer patient na residente ng lungsod.

Ang mga senior citizen naman na kailangang sumailalim sa dialysis ay bibiyayaan ng 20 percent discount ang P1,000 standard charge.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Bunga nito, inatasan ni Bautista ang mga opisyal ng QC na ipaskil sa official website ng lungsod ang dialysis program upang maipaabot sa kaalaman ng mga cancer patient.

Ipinalalagay din ni Bautista sa QC official website ang halaga ng health service at procedure para sa Quezon City General Hospital gayundin sa Novaliches District Hospital at mga health center ng lungsod.