Tatlong kagawad ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang tinanggal sa serbisyo makaraang masangkot sa pamamaril at pagpatay sa isang abogado na naganap sa Cebu City.

Sinabi ni Atty. Rameses Villagonzalo, legal counsel ng mga biktima, ikinagalak ng pamilya ng mga biktima na sinibak na ang dalawang opisyal at isang tauhan ng Highway Patrol Group-7 ng pamunuan ng PNP.

Ayon kay Villagonzalo, ang mga sinabak ay nakilalang sina Senior Supt. Romualdo Iglesia, Senior Insp. Joselito Lerion at PO1 Alex Bacani, pawang nakatalaga sa HPG-Region 7 na nahaharap sa kasong murder kaugnay sa kasong pagpatay kay Atty. Noel Archival at dalawang aide nito.

Lumitaw sa record ng PNP na nag-AWOL (absent without official leave) ang tatlong pulis matapos maganap ang krimen.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Hindi pa matukoy ang tatlong pulisya na nagtago matapos ang insidente.

Matatandaan na pinagbabaril ng mga suspek ang mga biktima habang sakay ang huli ng kotse sa Barangay Coro, Dalaguete, Cebu noong Pebrero 2014.

Namatay si Atty. Archival habang himalang nakaligtas ang dalawang aide nito.