Tatlong pinaghihinalaang holdaper, na nakapatay ng isang sundalo na tumulong sa hinoldap ng mga suspek sa Binodo, Manila walong taon na ang nakararaan, ang nahaharap ngayon sa kasong kriminal sa Manila Regional (Trial Court RTC).

Nahaharap ngayon sa kasong robbery with homicide ang mga suspek na sina Charlie Arcano, Alex De los Santos at Jun Bisay, kapwa residente ng Parola Compound sa Binondo matapos mabaril at mapatay si S/Sgt. Rowel Papaan ng Army Civil Military Operation Battalion noong Marso 31, 2007.

Ayon sa record, naglalakad si Rodolfo Sevilla, empleyado ng Bonanza Trucking Company, sa Road 10, Binondo nang lapitan ng tatlong suspek na nakasakay ng isang motorsiklo.

Bigla umanong bumunot ng baril ang isa sa tatlong suspek at inagaw kay Sevilla ang isang bag na naglalaman ng suweldo ng kanyang kasamahan sa trabaho na nagkakahalaga ng P44,467.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Nang mapansin ni Papaan na hinoldap si Sevilla, agad na hinabol niya ang mga suspek subalit ito ay pinutukan ng baril.

Namatay si Papaan bunsod ng tinamong tama ng bala sa dibdib, ayon kay PO3 Manuel D. Sarmiento, officer-on-case.

Itinanggi ng tatlong suspek na sila ang nakapatay kay Papaan subalit umamin ang mga ito sa korte na si De los Santos ang may-ari motorsiklong ginamit sa krimen. - Jenny F. Manongdo