MILWAUKEE (AP)– Naipasok ni Khris Middleton ang isang 3-pointer sa papaupos na buzzer upang maputol ang six-game losing streak ng Milwaukee Bucks sa pamamagitan ng kanilang 89-88 comeback victory laban sa Miami kahapon sa isang importanteng laro para sa ikaanim na puwesto sa Eastern Conference playoff race.

Nagawa ni Ersan Ilyasova ang una sa kanyang dalawang free throws upang hilahin ang Milwaukee sa 88-86 sa huling 12.8 segundo. Sa pag-aagawan para sa rebound, nagkabuhol sina Jerryd Bayless ng Bucks at Michael Beasley ng Heat at kalaunan ay nakuha niya ang jump ball.

‘’A lot of times with the refs, you’ve just got to try and time them,’’ sabi ni Bayless tungkol sa jump ball. ‘’I tried to time it and I was able to get it. I got lucky.’’

Sumablay si Bayless sa kanyang pag-atake sa basket, ngunit natapik ni Zaza Pachulia ang bola pabalik kay Middleton na naikasa ang game winner. Nagtapos siya na may 13 puntos.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

‘’I knew it was ticking down, so I knew I just had to catch and shoot,’’ ani Middleton, na nagmintis sa isang straight-on 3-point attempt sa huling 12 segundo. ‘’I can’t think about anything else, but just catch it and let it go.’’

Isa itong krusyal na panalo para sa Bucks, na umangat sa 35-36 upang manatili sa ikaanim na puwesto sa conference, habang nalaglag ang Heat sa 32-38. Nawalis din ng Bucks ang kanilang four-game season sa Heat upang masiguro ang tie-breaker sa pagitan ng dalawang koponan.

‘’Just the character of those guys fighting to the end,’’ ayon kay Bucks coach Jason Kidd. ‘’They played 48 minutes and fought until the clock said 0:00. The guys in that locker room get a lot of credit for staying together, playing the game out and they found a way to get the last shot and get it to go in.’’

Lamang ang Miami sa 79-65 papasok sa fourth quarter at lumayo sa 85-71 sa isang steal at layup ni Dwyane Wade, may 6:33 pang natitira sa orasan.

Umabante ang Heat mula sa 53-all sa kanilang 19-6 run sa kalagitnaan ng third quarter, at nakuha ang 72-59 bentahe sa 3-pointer ni Henry Walker sa nalalabing 3:22 sa period.

Na-outscore ng Miami ang Bucks, 28-16, sa third period kumpara sa 7-of-26 shots ng Milwaukee.

‘’Sometimes momentum turns in a game like that,’’ lahad ni Heat coach Erik Spoelstra. ‘’Things start to avalanche from there. You need to show great collective toughness and stability to play through that and we weren’t able to do that tonight.’’

Resulta ng ibang laro:

Detroit 108, Toronto 104

Dallas 101, San Antonio 94

Oklahoma City 127, LA Lakers 117

Sacramento 107, Philadelphia 106

Golden State 122, Portland 108