Nagtutulungan ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang palawakin ang kampanya laban sa dumaraming nabibiktima ng Tuberculosis (TB) sa bansa.

Base sa datos ng Philippine Health Statistics noong 2009, pang-anim ang TB sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino.

Dahil dito, nakipagtulungan ang Department of Health (DoH) sa Philippine Coalition Against Tuberculosis (PhilCAT), isang samahan ng mga healthcare practitioner at TB-prevention organization sa bansa, upang palawakin ang kampanya sa pagbibigay ng impormasyon laban sa nakamamatay na sakit.

Kamakailan lang, nagsagawa ang multi-sectoral group ng World TB Day press conference na may temang “Stop TB: Hanapin, Gamutin, Pagalingin” na pinangunahan ng mga dalubhasang doktor, sa EDSA Shangri-La Hotel bilang isa sa mga hakbangin upang sugpuin ang TB. - Ellaine Dorothy S. Cal

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente