GENERAL SANTOS CITY – Hiniling ng dating municipal administrator ng Isulan, Sultan Kudarat sa Sangguniang Panlalawigan ang pagpapatupad sa suspension order laban kay incumbent Mayor Diosdado Pallasigue na ilegal siyang sinibak sa serbisyo ilang taon na ang nakalilipas.

Iginiit ni Engr. Elias Segura, dating municipal administrator ng Isulan, na dapat nang agad na ipatupad ang anim na buwang suspensiyon na ipinataw ng Sangguniang Panlalawigan kay Pallasigue makaraang tanggihan ng Malacañang ang apela ng alkalde.

Naghain si Segura ng mga kasong administratibo na gross neglect of duty at grave abuse of authority sa Sangguniang Panlalawigan laban kay Pallasigue dahil sa kabiguan ng huli na tumalima sa desisyon ng Civil Service Commission (CSC) na nagsasabing ilegal ang pagkakasibak kay Segura at dapat itong ibalik sa serbisyo at bayaran ng mga sahod na dapat ay tinanggap.

Inirekomenda naman ng Sangguniang Panlalawigan ang anim na buwang suspensiyon kay Pallasigue na iniutos na rin ni Sultan Kudarat Gov. Teng Magudadatu.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kanyang panig, sinabi ni Pallasigue na may inihain siyang petisyon sa korte para sa pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) na pipigil sa kanyang suspensiyon. (Joseph Jubelag)