Nagdesisyon ang Commission on Elections (Comelec) na muling ipagpaliban ang election period para sa Sangguniang Kabataan (SK) mula Abril 10 hanggang Mayo 10.

Ito’y bunsod nang kawalan pa ng kasiguruhan kung kailan maidaraos ang naturang halalan.

Batay sa Comelec Resolution No. 9934, inirekomenda ng Comelec na idaos ang SK polls sa Abril 25.

Nakatakda sana ang pagsisimula ng election period sa Marso 26 ngunit hindi ito natuloy.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

May mga panukala ring ipagpaliban na ang araw ng halalan ng SK sa Oktubre 2016 ngunit wala pa ring desisyon ang Pangulong Aquino hinggil dito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na iniurong ang petsa ng SK polls dahil una nang itinakda ng Comelec ang halalan noong Pebrero 21, 2015 at muli lamang itong ipinagpaliban.