sam milby

NASA bansa ngayon si Sam Milby para sa TVC shoot ng Systema Toothpaste. Isang linggo lang siyang mananatili rito dahil kailangan niyang bumalik sa Los Angeles, USA para ipagpatuloy ang pag-aaral ng acting kay Yvanna Chubbuck.

Kaya nalaman naming tinanggal na si Sam sa pelikulang Ex With Benefits kasama si Coleen Garcia dahil matagal siyang nawala at hindi naman daw puwedeng hintayin siya.

Naintindihan ni Sam ang sitwasyong ito, lalo na’t hindi rin naman puwedeng ipagpaliban ang pagpunta niya sa Amerika noong Pebrero 1 dahil isang taon pa bago sumapit ang petsa ay nag-commit na siya.

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

Kaya kahit nawalan siya ng project ay wala siyang magagawa.

Pagbalik ni Sam sa Hulyo ay may gagawin siyang teleserye at pelikula, kaya may kapalit din naman ng Ex With Benefits. –Reggee Bonoan