Ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyong humihiling na pigilan ang public bidding ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga bagong makina na gagamitin ng poll body sa 2016 elections.

Ang kaso ay may kinalaman sa petisyong inihain ni Atty. Homobono Adaza at ng Citizens for Clean and Credible Elections (C3E).

Sa nasabing petisyon, nais ng mga petitioner na pigilin ang public bidding para sa mga uupahang Optical Mark Readers at Direct Recording Machine para sa 2016 at huwag payagang magkaroon ng partisipasyon sa proseso ang Smartmatic-TIM.

Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, premature pa ang nasabing mga petisyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tinukoy pa ng Korte na ang Comelec ang inaatasan ng Konstitusyon para magpatupad ng election laws at mangasiwa sa mga botohan, kabilang na ang halalan,

plebisito, referendum at recall.

Dapat umanong bigyan ng pagkakataon ang poll body na gampanan ang constitutional mandate nito.