Ipinagdiriwang ng Bangladesh, ngayong Marso 26, ang kanilang National Day na gumugunita sa deklarasyon ng kanilang kasarinlan mula sa Pakistan sa mga huling oras ng Marso 25, 1971, ng “Father of the Nation” na si Sheikh Mujibur Rahman.

Isang soberanyang estado na matatagpuan sa South Asia, ang Bangladesh ay nasa hangganan ng halos lahat ng bahagi ng India, sa timog ang Bay of Benga, at sa timog-silangan ang Myanmar. Dhaka ang kapital at pinakamalaking lungsod.

Ang kanilang National Day ay karaniwang ipinagdiriwang sa 31-gun salute sa madaling araw, na nagbibigay-hudyat sa selebrasyon. Idinaraos ang mga seremonya sa iba’t ibang memorial tulad ng Jatiyo Sangshad Bhaban at Shahid Mina at sa Jatiyo Smriti Soudho, isang memorial sa freedom fighters na tumulong sa kalayaan ng Bangladesh mula sa Pakistan. Ang mga pangunahing lansangan ay may mga palamuting pambansang bandila. Nag-aalay naman ng mga bulaklak sa National Monument sa Savar na malapit sa Dhaka.

Ang Bangladesh ay miyembro ng iba’t ibang regional at international organizations, kabilang ang Commonwealth of Nations, ang Organization of Islamic Cooperation, ang South Asian Association of Regional Cooperation, ang Bay of Bengal Initiative for Multi-Sectoral Technical and Economic Cooperation (BIMSTEC), at ng Non-Aligned Movement.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Tinatamasa ng Bangladesh at Pilipinas ang magiliw na ugnayan mula nang isilang ang naturang bansa. Sinuportahan ng Pilipinas ang kalayaan ng Bangladesh at kinilala ito noong Pebrero 24, 1972. Nagtalumpati ang Philippine Ambassador to the United Nations para sa naturang bansa sa panahon ng pagsisikap nitong lumaya at sa pag-anib ng Bangladesh sa United Nations noong 1974.

Noong Nobyembre 5, 2014, lumagda ang Pilipinas at Bangladesh sa isang Memorandum of Understanding (MOU) on Sports Cooperation ng Philippine Sports Commission at ng Bangladeshi Ministry of Youth and Sports ssa Department of Foreign Affairs, Manila. Sa ilalim ng MOU, magtutulungan ang dalawang bansa sa sports education at sports science sa pamamagitan ng palitan ng officials-in-charge ng sports policy-making sports experts, at coaches; ang paglahok sa mga komperensiya, symposiums, seminars, at exhibitions; at pag-oorganisa ng joint sporting events ng dalawang bansa.

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Bangladesh sa pangunguna nina Pangulong Abdul Hamid at Prime Minister Sheikh Hasina, sa okasyon ng kanilang National Day.