NO POWER SHORTAGE ● Kung magugunita, nagpahayag ang ilang sektor na madadalas ang brownout pagsapit ng Summer 2015. May ilang isyu nga na papalapit na ang serye ng mga brownout dulot na rin ng init na hatid ng summer. Eh, summer na nga, ngunit may nakapag-ulat na sapat ang supply ng kuryente sa Luzon at Metro Manila sa panahong ito.

Ibig sabihin ba nito, walang brownout sa Metro Manila? Ayon sa isang mambabatas, nagpahinga ang Malampaya natural gas plant sa Palawan nong nakaraang linggo, may nalalabi pang enerhiya ito na aabot sa 900 megawatts na kayang sumaklaw sa pangangailangan sa kuryente ng Luzon at Metro Manila, meaning, walang brownout. Malalaman natin.

***

WALANG BIYAHE ● Bilang pakikiisa sa pagdaraos ng Kuwaresma, na isang mahalagang okasyon para sa mga mananampalatayang Katoliko at upang bigyang-daan ang pagkokondisyon ng mga bagon at mga riles, walng biyahe ang LRT Line 1 at 2 sa loob ng apat na araw ng Semana Santa. Ayon sa isang kalatas ng LRT, walang biyahe ang LRT simula Huwebes Santo (Abril 2) hanggang Pasko ng Pagkabuhay (Abril 5). Ang huling biyahe sa ng Line 1 sa Miyerkules Santo (Abril 1) ay 8:00pm sa Baclaran at Roosevelt stations gayundin ang Line 2 sa Santolan Station ngunit 8:30pm sa Recto Station. Simula Abril 6, Lunes, regular balik sa regular na operasyon ang LRT dakong 5:00am. Isang pakakataon ito para sa pamunuan ng LRT na suriing mabutin ang kanilang mga kasangkapan, lalo na ang mga bagon at riles upang matuklasan agad ang mga bagay na maaaring madulot ng aberya sa hinaharap.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

***

AYAWAN NA! ● May lumabas na balita na anim sa sampung Pinoy daw ang pabor sa divorce. Hindi naman nilinaw kung ilan sa mga ito ang mga babae. Mauunawaan natin kung higit na makararami ang mga babaeng nagnanais ng diborsiyo sapagkat ang ilan sa kanila ay nagiging biktima ng pangangaliwa, pambubugbog, panggagahasa rin, at emosyonal na pagmamalupit. Ngunit tiyak kong ayaw ng Simbahan nito, kasi nga ang pinagbuklod ng Diyos ay di maaaring paghiwalayin ng tao. May nabasa noon akong kalatas na nagsasabing kapag ang isang mag-asawa ay nasa bingit na ng paghihiwalay, balikan lamang daw ang mga dahilan noong una silang nagkakilala, at magtanggapan ng mga pintas, at magpatawaran, hindi mangyayari ang paghihiwalay. Love is sweeter the second time around, ang sabi.