Hindi makatatanggap ng suweldo para sa kinsenas ang 120 empleyado at 17 konsehal ng Makati City Hall matapos hindi pirmahan umano ni Vice Mayor Romulo “Kid” Peña ang tseke sa kanilang sahod.

Nanganganib din na hindi makasuweldo sa Abril ang mga nasabing empleyado at konsehal dahil patuloy ang pagtanggi ni Peña na lagdaan ang nabanggit na payroll.

Iginiit ni Councilor Mayeth Casal-Uy, bilang bise-alkalde ng siyudad ay si Peña ang pumipirma ng payroll at tseke ng sahod para sa mga konsehal at empleyado nila.

Pakiusap ni Casal-Uy kay Peña na isipin ang kapakanan ng mga empleyado at huwag hadlangan ang sahod ng mga ito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kahapon aabot sa 8,000 empleyado ng Makati ang natanggap na ang kanilang suweldo matapos pirmahan ni Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay ang mga voucher hanggang nitong Abril.