ISULAN, Sultan Kudarat - Isang 80-anyos na babae ang kanyang 22-anyos na apo ang natusta sa sunog habang nalapnos naman ang kamay at katawan ng isa pa niyang apo sa T’boli, South Cotabato, hapon nitong Marso 23.

Ayon sa nakalap na impormasyon mula sa T’boli-Bureau of Fire Protection (BFP), kinilala ang matandang nasawi sa apelyidong Veniales, habang ang isa pang namatay ay ang apo niyang si Greziele Veniales, 22 anyos. Kinilala lang sa pangalang Jun ang sugatang apo.

Sa pagsisiyasat, sinasabing umaabot sa mahigit P500,000 ang napinsala sa sunog. - Leo P. Diaz
National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian