jennifer lawrence

HULING beses na masisilayan si Jennifer Lawrence sa X-Men, ayon sa ulat ng NTV News.

Kinumpirma rin ito mismo ni Jennifer, na gumaganap bilang bagong Mystique sa First Class at Days of Future Past, nang makapanayam sa red carpet para sa kanyang bagong pelikula na pinamagatang Serena.

Aniya, ito na ang huli niyang pagganap sa pelikula ng X-Men, ang X-Men: Apocalypse. “It is my last one, actually,” pagkukumpirma niya ng walang idinagdag na paliwanag.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Nakatakdang ipalabas ang X-Men: Apocalypse sa Mayo 27, 2016. - Yahoo News/Celebrity