NAGBAKASYON LANG Nag-iiyakan ang mga kaibigan ng mga estudyanteng German  na  sakay ng bumulusok na eroplano sa kanilang pagdalo sa  misa sa Llinars del Valles, malapit sa Barcelona, Spain,  noong Marso 24, 2015. Labing-anim na 10th-grade students mula sa isang bayan sa western Germany  at  dalawa sa kanilang mga  guro na nagbakasyon sa Barcelona ang sakay Germanwings flight na bumulusok sa southern France. Kinumpirma ng mga opisyal noong Martes na patay ang lahat ng 150 kataong sakay ng eroplano.  AP /EMILIO MORENATTI

SEYNE-LES-ALPES, France (Reuters) – Patuloy ang paggagalugad ng French investigators sa wreckage noong Miyerkules upang makahanap ng mga pahiwatig kung bakit bumulusok ang German Airbus sa isang Alpine mountainside, na ikinamatay ng lahat ng 150 kataong sakay nito kabilang ang 16 batang mag-aaral na nagbabalik mula sa exchange trip sa Spain.

Ang A320 jet na pinatatakbo ng Germanwings budget airline ng Lufthansa ay nadurog nang ito ay bumagsak sa mabatong bangin noong Martes habang lumilipad sa himpapawid ng France patungong Duesseldorf mula sa Barcelona.

Walang natanggap na distress call mula sa eroplano, ngunit sinabi ng France na isa sa dalawang “black box” flight recorders ang narekober na mula sa site 6,000 feet above sea level.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ng isang taong pamilyar sa recovery effort sa Reuters na ito ay ang cockpit voice recorder. Kailangan ding makuha ng mga imbestigador ang isa pang black box na nagrerekord ng flight data, ang impormasyon na mahalaga sa pag-iimbestiga sa air accidents.

Nakatakdang bumisita si French President Francois Hollande sa crash site halos 100 km sa hilaga ng Riviera city ng Nice kasama sina German Chancellor Angela Merkel at Spanish Prime Minister Mariano Rajoy.

Naniniwala ang Germanwings na 67 Germans ang nasa flight at sinabi ng Spain deputy prime minister na 45 pasahero ang may pangalang Spanish. Isang Belgian rin ang nakasakay. Kinumpirma naman ni Australian Foreign Minister Julie Bishop na dalawang Australian citizens ang namatay.

Inaalam pa ni British Foreign Secretary Philip Hammond ang impormasyon na ilang British nationals ang sakay din ng flight.

Kabilang sa mga biktima ang 16 kabataan at dalawang guro mula sa Joseph-Koenig-Gymnasium high school sa bayan ng Haltern am See sa northwest Germany. Pauwi na sila mula sa isang linggong Spanish exchange program malapit sa Barcelona. Ito ay reciprocal visit matapos 12 Spanish students ang gumugol ng isang linggo sa kanilang eskuwelahan noong Disyembre.

Sinabi ng Germanwings na nagsimulang bumaba ang eroplano isang minuto matapos maabot ang cruising height at patuloy na nawawalan ng altitude sa loob ng walong minuto.

“The aircraft’s contact with French radar, French air traffic controllers, ended at 10.53 am at an altitude of about 6,000 feet. The plane then crashed,” pahayag ni Germanwings’ Managing Director Thomas Winkelmann sa isag news conference.

Sinabi ng Germanwing na kinansela nito ang pitong flight paalis ng Dusseldorf dahil ilan sa mga crew member ang hindi magawang magtrabaho nang malaman ang balita.

Sinabi ni Lufthansa CEO Carsten Spohr noong Martes na nauunawaan niya ang damdamin ng kanyang mga crew members’.

“One must not forget: many of our Germanwings crews have known crew members who were onboard the crashed plane,” ani Spohr.

Sinabi ng mga eksperto na kahit na naging mabilis ang pagbaba ng Airbus, hindi ito basta na lamang babagsak mula sa kalawakan.

Ang A320 ay isa sa pinakaginagamit na passenger jet sa mundo at may magandang safety record.

Ang Germanwings plane ay 24 anyos at pinagagana ng mga makinang gawa ng CFM International, isang joint venture ng General Electric at ng Safran ng France.