Wala pang sariling posisyon ang mga gabinete at maging si Pangulong Benigno S. Aquino III kaugnay sa usapin sa diborsiyo.

Ito ang tugon ng Malacañang kaugnay sa lumabas sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) na nagsasabing anim sa 10 o 60 porsiyento ng mga Pilipino ang pumapabor na maging legal na ang diborsiyo sa bansa.

Sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma na hindi pa tinatalakay ang usapin ng diborsiyo sa gabinete at hindi pa nagbabago ang pagkontra rito ng Pangulong Aquino.

“Bahala na ang mamamayan para ipaabot sa kanilang mga kinatawan sa Kongreso ang saloobin hinggil sa divorce,” pahayag ni Coloma.
National

Lindol sa Zamboanga del Norte, ibinaba na ng Phivolcs sa magnitude 5.4