Claudine Barretto

Ni NITZ MIRALLES

DUMATING na ang pinakahihintay ng fans ni Claudine Barretto at ito ay ang muli siyang mapanood sa ABS-CBN dahil sa Sunday, may one-on-one interview sa kanya si Boy Abunda sa The Buzz.

Kahit hindi live ang guesting ni Claudine, ikinatutuwa pa rin ito ng kanyang loyal fans dahil hindi na siya sa Instagram lang makikita.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Umaasa rin ang fans ni Claudine na simula na ang paglabas niya sa The Buzz ng tuluy-tuloy na project sa ABS-CBN at soap opera na ang kasunod. Malalaman natin kay Claudine kung saang Kapamilya shows pa siya maggi-guest at kung may pinag-uusapan nang soap opera para sa kanya.

Walang patikim si Claudine kung ano ang pinag-usapan nila ni Boy sa interview sa kanya. Ang sabi lang niya, “Pls. watch my The Buzz interview this Sunday my Palanggas.”

Nauna rito, napabalita na dalawang pelikula ang gagawin ni Claudine. Nabanggit na ni Wenn Deramas na ididirehe niya si Claudine sa Viva Films movie na Pinilit Kong Limutin Ka at magkakasama sila nina Kris Aquino at Jodi Sta. Maria sa Star Cinema movie na Etiquette for Mistresses to be directed by Chito Roño.

Wala pa lang balita kung alin sa dalawang pelikula ang unang gagawin ni Claudine, pero makakaasa na siya ng suporta ng kanyang mga tagahanga.

Samantala, may taong laging nagpapadala ng mamahaling sapatos kay Claudine. Hindi nagpapakilala ang taong ito, basta dumarating na lang sa bahay niya ang iba’t ibang klase ng sapatos.

Sa mga nai-post ni Claudine sa IG, napadalhan at nabigyan na siya ng Valentino, YSL, Christian Louboutin at Nike.

“This is too much thank you whoever u r pls introduce yourself soon. Thank u for this. God bless” lang tuloy ang nasasabi ni Claudine.