ara at sofia

KUWENTO ng mag-inang parehong single mother ang ibabahagi ng Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN ngayong Sabado, Marso 28). Itatampok sa upcoming family drama episode sina Ara Mina at Sofia Andres.

Sa hangaring maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang anak na si Joy (Sofia), napilitang mangibang-bayan ang single mother na si Bheng (Ara). Sa kanyang pag-alis, naiwan si Joy sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Ngunit dahil sa kakulangan ng personal na paggabay ng nakatatanda, maagang nabuntis si Joy ng kanyang boyfriend na umabandona sa kanya at sa kanilang anak.

Gaano kasakit para sa isang ina na matuklasan na ang minamahal niyang anak ay dumaranas ng kaparehong kapalaran bilang isang single mother? Ano ang kayang gawin ng isang anak upang maitama ang kanyang pagkakamali?

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

Makakasama nina Ara at Sofia sa upcoming MMK episode sina Liz Alindogan, Bea Saw, Alyanna Angeles, Pen Medina, at Julian Estrada. Ito mula sa panulat nina Limuel dela Cruz at Arah Jell Badayos at sa direksiyon ni Garry Fernando. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang Maalaala Mo Kaya na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.  

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado, 7:15 PM, pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKMothersLove. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.