YANGON (Reuters)— Sinabi ng isang mataas na miyembro ng gobyerno ng Myanmar na iimbitahin ang US-based Carter Center at European Union upang subaybayan ang general election sa huling bahagi ng taong ito, ang unang pagkakataon sa nakalipas na 65 taon na pahihintulutan ng bansa ang Western poll observers.
“We’ll allow the Carter foundation and EU to observe the upcoming general election independently to ensure the election takes place free and fair,” pahayag ni Soe Thein, senior minister sa president’s Office, sa isang forum noong Lunes.