Laro bukas: (Rizal Memorial Baseball Stadium)

9 a.m. – UP vs. AdU (softball finals)

Gaya ng dapat asahan, lumutang ang natatanging husay ng Adamson University (AdU) matapos dominahin University of the Philippines (UP), 6-0, at makalapit sa inaasam na 5-peat kahapon sa finals opener ng UAAP Season 77 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Labindalawang batters ang na-struck out ni reigning MVP Annalie Benjamen nang maitala ng Lady Falcons ang kanilang ika-61 sunod na tagumpay mula pa sa Season 73.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakatakdang angkinin ng Adamson ang kanilang ika-14 overall softball crown kapag nanaig sila bukas sa Game 2 sa kapareho ding venue.

Ito ang unang pagkakataon na natapos ng Lady Falcons ang laban bago nakamit ang tagumpay matapos ang 12 abbreviated wins sa eliminations.

“Siyempre, championship na ito, ibang level na,” ayon kay Adamson coach Ana Santiago.

Kinailangan nilang umabot ng tatlong innings bago nakaiskor ng kanilang unang run sa laban matapos ang RBI ni Queenie Sabobo na nagbigay sa kanila ng 2-0 bentahe.

Kasunod nito ay nagposte naman si Krisha Paguican ng RBI triple para bigyan ng 4-0 kalamangan ang Adamson sa fourth inning na dinagdagan pa nila ng dalawa na tumiyak sa kanilang panalo.

“Pinaalala ko lang sa kanila na dahil thrice-to-beat kami, sure win na kaagad. Kailangan naming paghirapan para makuha ‘yung panalo,” ayon pa kay Santiago.