Kasong tangkang pangmomolestiya ang kinakaharap ngayon ng isang 25-anyos na Pakistani matapos ireklamo ng isang Pilipina na kanyang hinarang at pinagtangkaang gahasain sa United Arab Emirates (UAE)) noong Pebrero.

Ayon sa Gulf News, sa Abril 30 inaasahang maglalabas ng desisyon ang Dubai Court of Instance laban sa inirereklamong Pakistani, na nagtatrabaho bilang waiter.

Batay sa record, dakong 3:00 ng madaling araw naglalakad pauwi sa kanyang tirahan ang Pilipina nang harangin siya ng Pakistani at tinangkang yakapin at halikan.

Nanlaban ang biktima subalit muli siyang hinatak ng suspek hanggang sa nasira ang suot na jacket ng Pinay dahilan upang madapa at masugatan siya sa palad habang nagpapambuno sila ng Pakistani.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Agad dumiretso ang Pinay sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang suspek.

Itinanggi ng Pakistani sa korte ang reklamo ng Pinay at ikinatwiran na lasing siya at hindi niya maalala kung ano ang nangyari.

Pinatunayan naman ng Dubai Police forensic examiner na nasugatan ang Pinay sa panlalaban nito sa suspek.

Sa korte, positibong itinuro ng Pinay nang tatlong beses ang Pakistani na humarang sa kanya at nagtangkang molestiyahin siya.

Nakakulong na ang suspek sa detention cell sa Dubai Police.