Isasabak ng Pilipinas ang pinakamagagaling na men’s at women’s volleyball team sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Asian Under 23 Championships at 28th Southeast Asian Games (SEAG).

Ito ang sinabi ni Larong Volleyball ng Pilipinas, Incorporated (LVPI) secretary general Ricky Palou sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate.

“We submitted to Philippine Olympic Committee (POC) a list of players and they approved the inclusion even though the team is not a medal contender provided they participate and pay on their own,” sinabi ni Palou.

“We were told that the team will be send to gauge how our women’s team will fare up against our rivals in the SEA Games and how fast we can be at par against them up to the year 2017,” paliwanag pa ni Palou.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Gigiyahan ni UAAP champion Ateneo de Manila University (ADMU) coach Oliver Almadro ang men’s volleyball team na isasagupa sa SEA Games sa Singapore sa Hunyo 5 hanggang 16, gayundin ang Philippine men’s team na isasabak sa unang AVC Asian Men’s Under 23 sa Nay pyi Taw, Myanmar sa Mayo 21 hanggang 29.

Makakasama ni Almadro sa coaching staff ang dating national coach na si Nestor Pamilar at ang kapwa UAAP champion coach na si Anusron “Tai” Bundit bilang consultant at trainer.

Ilan sa listahan na ipadadala para sa SEA Games ay sina Mark Gil Alfafara ng University of Santo tomas (UST), Peter June Torres ng National University (NU) at kasalukuyang UAAP MVP sa volleyball na si Marck Jesus Espejo.

Bubuuin naman ng mga mahuhusay na collegiate players na mula sa Ateneo, NU, UST at College of Saint Benilde ang Team Philippines na ipaparada sa Under 23 sa Myanmar.