Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

4:15 pm Meralco vs. Blackwater

7 pm Alaska vs. Ginebra

Makahabol sa huling slot sa playoff round ang tatangkain ng Alaska sa pagsagupa ngayon sa Barangay Ginebra sa pagtatapos ng eliminasyon ng PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nasa 3-way tie na taglay ang barahang 4-6 ang Aces kasama ang Barako Bull at Globalport na kapwa may laro kahapon habang sinusulat ang balitang ito.

Ang tatlong koponan ang nag-aagawan para sa huling dalawang quarterfinals berth kaya naman hindi hawak ng Aces ang kanilang tsansa para umusad sa playoffs.

Kung kapwa mananalo ang Energy Cola at Batang Pier, tuluyan nang magsasara ang pintuan sa quarters para sa Aces.

Subalit kung may isang matatalo at maipanalo ng Alaska ang laban sa Ginebra, sila ang tutuntong sa 8th spot at ang karapatan na makaharap ang top seed at twice-to-beat na Talk ‘N Text sa playoffs.

Sa panig naman ng Kings, bagamat pasok na sa quarterfinals, tiyak namang hindi nila gugustuhin na umusad sa susunod na round na galing sa pagkatalo.

Siguradong ganito rin ang hangad ng Meralco sa pagharap nila sa napatalsik nang Blackwater sa unang laro dahil nais nilang tapusin sa winning note ang eliminations upang may magandang buwelo sila sa pagsalang sa quarterfinals.

Batay sa format, ang walong mangungunang koponan, matapos ang eliminations, ang aabante sa susunod na round kung saan ay may bentaheng twice-to-beat ang top two teams kontra sa No. 7 at No. 8 squads habang best-of-three series naman ang paglalabanan ng No. 3 at No. 6 gayundin ang No. 4 at No. 5 teams.