UNITED NATIONS (Reuters) – Lalong nakararamdam ang mamamayan ng Syria na sila ay inabandona ng mundo sa pagbaling ng atensiyon ng daigdig sa mga militanteng Islamic State, habang hinahadlangan ng karahasan at ng government bureaucracy ang mga pagsisikap na maihatid ang tulong sa 12 milyong mamamayan, sinabi ni UN chief Ban Ki-moon noong Lunes.
Sa kanyang 13th monthly report sa United Nations Security Council on Syria, sinabi ni Ban na ang kawalan ng pananagutan sa loob ng apat na taong civil war ay nagbunga ng pagtaas ng mga alegasyon ng war crimes, crimes against humanity at iba pang human rights abuses.
“While global attention is focused on the threat to regional and international peace and security which terrorist groups such as ISIL (Islamic State) and (al Qaeda’s) Nusra Front pose, our focus must continue to be on how best to help and support the Syrian people,” ani Ban sa ulat, na nakita ng Reuters.
Sinabi ni Ban na mahigit 220,000 katao ang namatay simula nang tugisin ng security forces ang pro-democracy movement noong 2011, na nagbunsod ng armadong pag-aaklas. May apat na milyong Syrian ang umalis sa bansa at 7.6 milyon ang internally displaced.