Walang operasyon ang Light Rail Transit (LRT) Line 1 at 2 para sa apat na araw ng Kuwaresma upang bigyang daan ang pagkukumpuni sa mga pasilidad nito kada taon.

Sa anunsyo ng LRT Administration (LRTA) sa pamamagitan ng kanyang Twiitter account, walang biyahe ang tren ng LRT simula Abril 2 (Huwebes Santo) hanggang Abril 5 (Linggo ng Pagkabuhay).

Nilinaw ng pamunuan ang operasyon sa Abril 1, Miyerkules Santo, dakong 8:00 ng gabi ang magiging huling biyahe ng kanyang tren sa Line 1 sa Baclaran at Roosevelt stations gayundin ang Line 2 sa Santolan station pero 8:30 ng gabi sa Recto station.

Magbabalik sa normal ang operasyon ng LRT sa Abril 6, ganap na 5:00 ng madaling araw.
National

Gabriela Rep. Arlene Brosas, tatakbong senador sa 2025