Nilagdaan ng Court of Tax Appeals (CTA) ang hiling ni dating Ang Galing Pinoy Party-list Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo na makalabas ng Pilipinas ngayong Marso at sa Abril at Mayo.
Magtutungo si Arroyo sa Hong Kong sa Marso 29 hanggang Abril 1, pupunta sa Italy at Germany sa Abril 6-21, at sa China naman sa Abril 28-Mayo 8.
Inaprubahan ng CTA ang naturang request ni Arroyo pero hindi naman nilinaw ang dahilan ng pagpunta ng huli sa nasabing mga bansa.
Kaugnay nito, inatasan ng CTA si Arroyo na maglagak ng travel bond, sundin ang kanyang itinerary at dapat ay personal na magbigay ito ng photo copy ng pasaporte na may stamp mula sa Bureau of Immigration (BI) kapag bumalik na sa Pilipinas.
Nahaharap si Arroyo sa kasong paglabag sa National Internal Revenue Code (NIRC) bunga ng hindi pagbabayad ng P73.85 milyon buwis, kasama na ang interest at surcharges.