INDIANAPOLIS (AP)– Nakita ni James Harden ang lahat ng siwang sa depensa ng Indiana kahapon.
Umiskor ang three-time All-Star ng 19 sa kanyang 44 puntos sa fourth quarter, kabilang ang 12 sa decisive 4-minute flurry na nakatulong sa Houston Rockets na makalayo para makuha ang 110-100 panalo laban sa Pacers, na natalo naman ng anim na sunod.
‘’He was just solid. He’s a hell of a player,’’ pahayag ni Rockets coach Kevin McHale. ‘’We don’t have our record if James isn’t playing at an MVP level, which he’s doing. I say it every year, two or three guys play at extraordinary levels, and he’s one of them right now.’’
Kahit pa laban sa isa sa pinakamahigpit na depensa sa NBA, napapailing sa pagharap sa Pacers, niyayakap naman ito ni Harden.
Nagposte siya ng 45 puntos sa unang matchup nila ngayong season at muntik niya itong magawa uli sa larong ito kung saan 10-of-21 siya mula sa field at 21-of-22 mula sa free throw line, kasama ang 7 assists, 4 rebounds, 2 steals at 2 blocks.
Napantayan niya ang Pacers point-for-point sa unang quarter, 15-15, at dinispatsa niya ang mga ito sa pagkuha ng 3-pointers, pag-atake sa basket at pagsungkit ng fouls sa halos perpektong ikaapat na yugto.
‘’It’s just a matter of me being crafty, getting there, making plays and just doing what I do every single night,’’ ani Harden, na nangunguna sa liga sa kanyang walong 40-point games ngayong season. ‘’As long as I’m aggressive and in attack mode, good things are going to happen.’’
Walang naging kasagutan dito ang Pacers (30-40).
Nagtala si C.J. Watson ng 23 puntos at nagtapos si George Hill na may 20, ngunit nagkaroon muli ng dagok ang pag-asa ng Pacers para sa playoffs. Hindi pa muling nananalo ang Pacers mula Marso 12, dahilan upang malaglag sila mula sa ikaanim na puwesto sa East pababa sa ika-10, dalawang puwesto sa labas ng playoffs. Kaunti lamang ang kanilang abante sa 11th-place na Brooklyn.
‘’That’s one of the biggest challenges in guarding a guy like that, is trying to do it without fouling,’’ sabi ni Pacers coach Frank Vogel. ‘’He’s got all the tricks to pick up fouls, and we’ve got young defenders on him and we didn’t do a good job there.’’