Celine Dion

WASHINGTON (AFP) – Muling maninirahan ang Canadian singer na si Celine Dion sa Las Vegas sa Agosto matapos magdesisyong mamahinga noong nakaraang taon upang alagaan ang kanyang asawa na nakikipaglaban sa cancer, ayon sa ulat ng People magazine.

Sa kanyang website, nagbigay ng pahaging ang star mula sa French-speaking na Quebec tungkol dito, sinabing, “Good news on the horizon!” habang makikita ang kanyang asawa at one-time manager na si Rene Angelil, 73, na nanonood ng television footage ni Dion.

“It is very emotional for me and I’m anticipating the emotions to grow even more as the date gets closer,” pahayag ni Dion sa magazine.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Dahil dito, labis na natuwa ang mga tagahanga ni Dion.

“I am super excited I have been waiting for this moment for a very long time!! I love you Celine and I am so excited for your return!” komento ng isa sa kanyang mga tagahanga.

Nagtanghal ang five-time Grammy winner sa Sin City ng mahigit tatlong taon, pinahanga ang mga manonood sa kanyang biggest hits kabilang na ang theme song ng 1997 Hollywood blockbuster na Titanic na pinagbidahan nina Leonardo DiCarpio at Kate Winslet — ang My Heart Will Go On.

Taong 2014 nang makaranas ang international sensation ng hindi magandang pakiramdam na naging dahilan ng pananakit ng kanyang lalamunan, kaya kinansela ang mga nakatakdang show niya sa Las Vegas simula noong Hulyo 29, 2014.