NAGDIWANG ng ika-60 kaarawan noong Sabado (Marso 21, 2015) si Bruce Willis kapiling ang kanyang pamilya at mga kaibigang artista sa Harlow sa New York City. 

Buong gabing magkasama ang Die HardI star at kanyang asawa na si Emma Heming. Ang mag-asawa ay magkasamang nagpakuha ng litrato sa photo booth at maging sa pag-ihip sa kandila sa kanyang chocolate cake.

Ibinahagi ni Heming, 36, ang mga litrato na may kalakip na “Bee Dub’s 60th” sa kanyang Instagram account, at sinabing “It’s fair to say the birthday boy had a great time. #BWBirthdayBash.” 

Nagsayaw din ang mag-asawa na nakunan ng litratro ng isa sa kanilang mga kaibigan.

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

“At least someone was taking pics. Thank you @jmtaekman #BWBirthdayBash,” paglalawarawan sa litrato. 

Kabilang sa mga dumalo sa party sina Patti Hansen, Keith Richards, at Tony Bennett.

Nakita rin ang anak ni Bruce na si Tallulah habang ang kanyang panganay na si Rumer ay nasa Los Angeles at naghahanda para sa Dancing With the Stars. Kamakailan, kasama ang dating kasintahan ni Willis na si Demi Moore, nanood ang buong pamilya sa premiere ng show ni Rumer, 26.

“They always made an effort to do all of the family events still together and made such an effort to still have our family be as one unit, as opposed to two separate things, which I think really made an impact,” pahayag ni Rumer kay Larry King. - US Weekly