LIMA, Peru (AP) — Patay ang 37 katao at mahigit 84 pa ang nasugatan nang magkarambola ang tatlong bus at isang truck noong Lunes ng umaga sa main coastal highway ng Peru.

Sinabi ni police chief Gen. Jorge Flores na karamihan sa mga nasugatan ay inilipad na ng helicopter sa Lima mula sa lugar ng aksidente sa Huarmey may 200 milya sa hilaga ng kabisera.

Ayon sa pulisya, isang bus na pag-aari ng kumpanyang Murga Serrano ang nalihis sa kabilang linya at bumangga sa dalawang bus. Inararo naman ng truck ang mga nagkarambolang sasakyan.

National

Dahil sa bagyong Carina: 2 lugar sa Luzon, itinaas sa Signal No. 1