Mahigit sa 3,000 runners ang lumahok sa naganap na advocacy run noong Linggo na kabahagi ng nakatakdang serye ng mga aktibidad na naglalayong garantiyahan ang matagumpay na pagdaraos ng 2015 Palarong Pambansa sa Davao del Norte sa Mayo.

Inorganisa ng Tagum City Division of the Department of Education (DepEd), tumulong ang lahat ng mga lumahok sa nasabing takbuhan upang makalikom ng karagdagang pondo para sa maintenance ng billeting venues, partikular ang pangangailangan sa tubig ng mga atletang mag-aaral at maging ng mga opisyal sa kabuuan ng Palaro sa Mayo 3-9.

“The schools [officials] are busy preparing the billeting sites so we can have a very good hosting and give delegates the best accommodation that we can offer,” ayon kay Tagum City DepEd Division head Cristy Epe.

Pinangunahan ni Tagum City Mayor Allan Rellon, kasama ng iba pang mga lokal na opisyal ng lalawigan, militar at maging ng kapulisan, ang marathon na nagtapos sa Rotary Park.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

May 30 billeting facilities ang inihanda para sa Palaro na inaasahang dadaluhan ng may 10,000 atleta at opisyales na mula sa 17 rehiyon sa bansa.

Kabilang din sa mga inihandang pre-Palaro program ni Governor del Rosario ay ang official website at games launch ngayong linggo at dry runs para sa iba’t ibang events sa competition venues.