Dalawang lalaki, na hinihinalang tulak ng droga, ang nahulihan ng shabu sa isang buy-bust operation ng pulisya sa bus terminal sa Polangui, Albay iniulat kahapon.

Inaalam pa ng Polangui Municipal Police Station (PMPS) ang halagang ng droga na kanilang nakumpiska kina Ellsie Vallester, 48, ng Barangay Balogo, Oas, at Rey Bornasal, 29, ng Santiago, Libon, na sakop ng Albay.

Ayon kay Senior Insp. Jan King Casiplay, ang mga suspek ay naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa bus terminal ng Diversion Road, Ubaliw, Polangui.

Sinabi ni Casiplay, na  matagal na nilang sinubaybayan ang mga suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Sina Vallestar at Bornasal ay hindi nakapalag ng arestuhin ng mga pulis matapos tanggapin nito ang marked money na P1,500.

Kasalukuyang  hawak ng pulisya ang dalawang suspek at nakatakdang sampahan  ng kasong paglabag sa dangerous drug act sa Polangui Prosecutors’ Office.