Aden (AFP)--Nalalapit na ang Yemen sa “edge of civil war”, babala ng UN envoy sa bansa kasabay ng pagpapahayag ng Security Council ng nagkakaisang suporta sa inaatakeng lider at pagkubkob ng Shiite militia sa paliparan sa isang pangunahing lungsod.
Ang maralitang bansa ay nahulog sa kaguluhan nitong mga nakaraang buwan, sa pagkubkob ng militia, kilala bilang mga Huthi sa kontrol ng kabiserang Sanaa at pagpuwersa kay President Abedrabbo Mansour Hadi na umalis sa lungsod ng Aden.
Nagdaos ang UN Security Council ng emergency session noong Linggo sa pagtindi ng kaguluhan, na kinabilangan ng mga suicide bombing na inako ng Islamic State group na pumatay ng 142 katao sa Sanaa noong Biyernes.
Nagpahayag ang 15 miyembro nito ng nagkakaisang suporta kay Hadi, na nanawagan sa isang liham sa council para sa “urgent intervention by all available means”.
“(Recent events) seem to be leading Yemen to the edge of a civil war,” sabi ni UN envoy Jamal Benomar sa pagpupulong noong Linggo sa pamamagitan ng video link mula Qatar, nagbabala na kapag walang immediate action “the country will slide further into further violence and dislocation”.