Vice Ganda

SA isang episode ng It’s Showtime, masayang ikinuwento ni Vice Ganda sa mga manonood ang pagbabati nila ni Daniel Padilla. 

Nag-ugat ang tampuhan nila noong bira-birahin ng KathNiel fans ang TV host-comedian dahil sa diumano’y bitin na exposure nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Gandang Gabi Vice last month, kaugnay ng promo ng Crazy Beautiful You. Isang buwan din silang nagdedmahan.

Subalit ‘di sinasadyang nagkita ang dalawang sikat na personalidad sa US Embassy kamakailan. Pareho silang may inaayos sa nasabing ahensiya  para sa kani-kanilang shows abroad.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Ngayon, all’s well that ends well at back-into each other’s arms again ang kanilang drama.

Sa It’s Showtime ipinaalam ni Vice sa lahat ang magandang balita.

“Alam mo, ang saya ko kasi nagkita kami ni Daniel kanina sa (US) Embassy, kasi nga, ‘di ba nagkaartehan kami lately? Halos isang buwan din kaming ‘di nagpapansinan, may samaan kami ng loob. Kanina nagkita kami ‘tapos nagyakapan lang kami. Ang saya-saya lang. Bati na kami ulit. Love, love, love na kami uli?” 

“Ganu’n lang naman kami, lagi naman kaming nagkakatampuhan n’yan. Pero wala lang, walang artehan kapag nagkita kami, super okay kaming dalawa,” sey niya sa madlang pipol.

Sa katunayan, nag-organize si Vice ng isang block screening para kanyang Little Ponies, for the blockbuster movie ng KathNiel na Crazy Beautiful You, na dinaluhan mismo ni Vice at ng number one love team, Daniel at Kathryn.

Magkatabi ng upuan sina Daniel at Vice, kaya’t nang hingan ng pahayag si Daniel tungkol sa muli nilang pagbabati?

“Mahal namin ito ng nanay ko. Buong pamilya ko, mahal namin si Vice,” sey ng teen king.

“Congratulations!” ganti naman ni Vice. “Taray, blockbuster. Excited na akong gawin ang pelikula namin sa December.”  --Ador Saluta