Novak Djokovic

Indian Wells (United States) (AFP)– Tinalo ni Novak Djokovic si Roger Federer, 6-3, 6-7 (5/7), 6-2, upang matagumpay na maidepensa ang kanyang korona sa Indian Wells at kunin ang kanyang ika-50 career ATP title.

Nakuha rin ng 27-anyos na world number one na mula sa Serbia ang kanyang ikaapat na korona sa Indian Wells at ngayo’y katabla na ng world number two na si Federer para sa pinakamaraming men’s titles sa disyerto ng California.

“The trophy is very heavy,” pagbibiro ni Djokovic sa crowd habang ipinagdiriwang ang kanyang pagkakadagdag ng isa pa sa titulong kanyang napanalunan noong 2008 at 2011 at maging noong nakaraang taon.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Isang epikong paghaharap na naman ang nangyari sa kanilang mahabang listahan ng hardcourt battles ang nangyari sa pagitan ng top two players ng mundo, na 38 beses nang naglaban kung saan ang Swiss great na si Federer ay may hawak na 20-18 bentahe.

Si Djokovic ay natalo sa kanyang huling laban kay Federer sa straight sets matapos niyang talunin ito sa Wimbledon final noong nakaraang taon. Ang five-time Australian Open winner ay kinailangan din ang tatlong sets upang talunin si Federer sa 2014 Indian Wells title match.

“If you look at the big picture, I thought I deserved it in a way, because I really fought for it,” saad ni Djokovic. “I am at the prime of my career. I am going to use every part of this fact to stay where I am and to fight for as many major titles as possible.”

“I don’t think these challenges that I go through and the pressure that I feel are harming me or that I find it difficult. It is a privilege because I earned it.”

Iginiit naman ni Federer na hindi dapat masyadong pag-isipan ng mga tao ang kanyang naging pagkatalo.

“I have beat him the last couple times. It is not like I lost 10 in a row,” sinabi ni Federer. “A lot depends on how well he serves and returns. We usually play in finals so we are both peaking at the same time.”

Nagpakawala si Djokovic ng walong aces, 26 winners at binasag si Federer ng limang beses sa loob ng 2 oras at 17 minutong labanan sa harap ng crowd na may 15,000 manonood sa loob ng Tennis Garden stadium.

Nalampasan ni Djokovic ang rekord ng kanyang coach na si Boris Becker (49) upang maging ika-12 manlalaro sa kasaysayan ng Open era na nanalo ng 50 ATP Tour titles.