Inihayag kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaari nang ideklara ang opisyal na pagsisimula ng summer season sa susunod na linggo.

Ito ay kung huhupa na ang pag-iral ng northeast monsoon o hanging amihan.

Sinabi ng PAGASA na ang amihan ang nagdadala ng malamig na temperatura dahil sa natutunaw na yelo sa Siberia at mainland China.

Binanggit ng ahensya na nagsisimula na ang summer kung wala na ang amihan at tanging easterly wind na lamang ang nararanasan sa malaking bahagi ng ating bansa.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Ayon sa ahensya, posibleng sa unang mga araw sa susunod na linggo, papasok na ang tag-init.