Rosser and Casio

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m, Barako Bull vs. NLEX

7 p.m. Globalport vs. San Miguel Beer

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mapasakamay ang huling dalawang slots sa quarterfinals ang kapwa tatargetin ng Barko Bull at Globalport sa magkahiwalay na laro nila ngayon sa penultimate day ng eliminasyon ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa 3-way tie ang dalawang koponan na taglay ang barahang 4-6 (panalo-talo), kasama ang Alaska, kung saan ay kasunod sila ng mga nauna nang quarterfinalists na Rain or Shine (8-3), Talk ‘N Text (8-3), Purefoods (8-3), NLEX (6-4), Meralco (6-4), at Barangay Ginebra (5-5).

Kung maipapanalo ng dalawang koponan ang kanilang laban ngayon, ang Energy Cola na sasabak sa Road Warriors sa ganap na alas-4:15 ng hapon kontra sa Road Warriors at Batang Pier laban sa ousted na San Miguel Beermen sa ganap na alas-7:00 ng gabi, sila ang uupo sa huling dalawang bakanteng slots sa playoffs.

Ito’y kahit pa maipanalo rin ng Aces ang kanilang huling laban kontra sa Barangay Ginebra bukas dahil kapwa nanaig ang dalawang koponan sa kanilang laban kontra Aces sa eliminations.

Maghahabol ang Energy Cola, sa pamumuno ng Nigerian import na si Solomon Alabi at mga beteranong lokal na sina Sol Mercado, JC Intal, Chico Lanete, RR Garcia at rookies na sina Jake Pascual at Justine Chua, upang makabangon sa kinasadlakang apat na sunod na pagkabigo upang hindi mauwi sa wala ang maganda nilang panimula.

Ngunit tiyak namang hindi sila hahayaan na lamang ng NLEX na nanggaling sa panalo para sa mas magandang buwelo papasok sa susunod na round.

Samantala, sa huling laban, tiyak din na ‘di basta na lamang patatalo ang Beermen na tiyak na gustong isalba ang pride makaraang ma-eliminate matapos na magkampeon sa nakaraang Philippine Cup.

Kapag nanalo ang Energy Cola at Batang Pier, makakaharap nila ang top two teams na Rain or Shine at Talk ‘N Text na kapwa may bentaheng twice-to-beat. Sila’y aakto bilang No. 8 at No. 7 seed, ayon sa pagkakasunod.