Ipinagdiriwang ang Girl-Child Week sa Marso 23-27, 2015, upang palawakin ang kamalayan ng mga paghamon tulad ng kahirapan at gender bias na naeengkuwentro ng mga batang babae, pati na rin ang paigtingin ang suporta upang makatulong sa pagtatatag ng mas matibay na pundasyon para sa kanilang kaunlaran hanggang paglaki. Nakasentro ang selebrasyon sa kahalagahan ng mga karapatan at kalayaan ng batang babae na nagbibigay sa kanila ng proteksiyon at kapangyarihan na tumugon sa mga paghamon.

Edukasyon nag susi sa paghahanda sa mga maralitang batang babae ng karunungan, kasangkapan, ng kumpiyansa sa sarili, at mga pagpipilian upang makapagtatag galing para sa kabuhayan at pagpapaunlad ng kanilang lagay sa lipunan at ekonomiya. Kailangan silang iharap sa iba pang kultura upang mapalawak ang kanilang karunungan at karanasan. Kailangan silang arugain at gabayan ng mga pamilyang may takot sa Diyos na handang maglaan ng proteksiyon.

Nangunguna sa malawakang selebrasyon ang Council for the Welfare of Children (CWC), katuwang ang Department of Social Welfare and Development, ang Department of Interior and Local Government, ang Department of Labor and Employment, at ang Philippine National Police.

Ang mga batas na naglalaan ng proteksiyon sa mga batang babae: Special Protection of Children Act (RA 7690), National Barangay Day Care Law (RA 6972), Early Childhood Care and Development Law (RA 8980), Family Courts Act (RA 8369) at ang Executive Order 138 hinggil sa Establishment of Monitoring, Reporting, and Response System for Grave Child Right Violation in Situations of Armed Conflict.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Iniaabot ng gobyerno ang bawat batang babae, lalo na yaong walang access sa edukasyon, kalusugan, trabaho, at iba pang oportunidad. Nagsisikap ito upang mapahusay ang estado ng mga batang Pilipino, at bawasan ang hirap ng paglilitis kung saan isang batang babae ang biktima. Ang action plan ng Pilipinas ay nakatadhana sa 1995-2025 Philippine Plan for Gender-Responsive Development.

Sa buong daigdig, ipinagdiriwang ng United Nations ang International Day of the Girl-Child simula noong 2012. Ang mga pandaigdigang inisyatiba tulad ng Declaration of the World Summit for Children noong 1990 at ang Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination against Women noong 1981 ang nag-endorso sa karapatan ng batang babae sa kalusugan, edukasyon, at trabaho, pati na rin sa proteksiyon laban sa lahat ng anyo ng pang-aabuso. Ang mga isyu sa equality at mga oportunidad ay binigyan ng prioridad sa 1995 World Social Summit sa Copenhagen at sa Beijing Declaration.