PATAYIN! ● Isipin na lamang kung ano ang mangyayari sa daigdig kung papatayin natin nang sabay-sabay sa loob ng isang oras ang mga ilaw sa ating tahanan at mga gusali at mga lansangan, pati na ang mga kasangkapan o appliances na gumagamit ng kuryente. Ano nga kaya? Ayon sa mga ulat, sa isang oras na sabay-sabay na di paggamit ng elektrisidad, bumaba ang demand sa enerhiya at gayundin ng carbon dioxide emissions.
Sa madaling salita, nakapahinga ng isang oras ang daigdig. Maraming kaakibat na environmental issues, lalo na ang climate change, ang saklaw ng Earth Hour, kaya hinihikayat ng Palasyo na makiisa ang sambayanan sa Earth Hour tuwing huling Sabado ng Marso (sa Marso 28 na). Ayon sa tagapagsalita sa Palasyo, idaraos ang main switch-off bilang partisipasyon ng ating bansa sa Quezon Memorial Circle, Quezon City na magsisimula sa 8:30pm hanggang 9:30pm. Sa temang “Use Your Power to Change Climate Change”, makiisa sana tayo sapagkat dito natin maipakikita sa daigdig ang ating pagkakaisa na nagsisikap tayo para sa kapakanan ng buong daigdig; na nais din nating sagipin ang planetang ito sa patuloy na pagkasira bunga ng kapabayaan at pagwawalang-bahala ng tao sa kalikasan. Bigyan natin ng panahon ang ating daigdig na makapagpahinga. Kaya sa Marso 28, pagsapit ng 8:30 ng gabi, ang mga ilaw sa ating tahanan ay patayin!
***
EPEKTIBONG KAMPANYA ● Hindi araw-araw ay nakatatanggap tayo ng magandang balita. Nababasa lamang natin sa mga pahayagan ang malalang situwasyon ng krimen sa ating bansa. Ngunit ilan ang nakaaalam sa atin na mayroong “Oplan Lambat Sibat” (OLS) ang PNP na epektibong nakasusukpo ng krimen. Ayon sa isang ulat, malaki ang ibinaba ng mga kaso ng robbery at themft sa Metro Manila dahil sa OLS. Batay sa report ng National Capital Region Police Office sa Camp Crame bumama ng 25% ang mga kaso na naitala mula Marso 2 hanggang Marso 9. Sinabi sa ulat na 405 na kaso bumaba ito sa 310. Ayon kay PNP-Public Impormation Office director, Police Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., kabilang ang Manila Police District (MPD) at Quezon Police District ang may pinakamalaking kaso ng robbery at theft. Ang MPD ay umaabot sa 100 ang ibinaba ng kaso na may 64 kaso na lamang ang titira. Ang QCPD naman ay umaabot sa 108 ang nalutas mula sa 138 kaso. Kaya sa PNP, bravo!