PADRE GARCIA, Batangas - Nasa P10 milyon halaga ng mga alahas ang umano'y natangay ng mga hindi nakilalang suspek mula sa isang pawnshop sa Padre Garcia, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), natuklasan noong Lunes, dakong 8:30 ng umaga, na nalimas ang mga alahas sa loob ng Padre Garcia Pawnshop.

Personal na nagtungo umano sa himpilan ng pulisya ang may-ari ng sanglaan na si Lilibeth Macatangay, at ini-report ang pananalakay ng mga suspek sa pawnshop na nasa Barangay Poblacion.
National

₱150 milyong lotto jackpot, pwede mapasakamay ng lotto bettors ngayong Hulyo 16