Magpapatupad ng big time oil price rollback sa pangunguna ng Pilipinas Shell ngayong Martes ng madaling araw.

Sa anunsiyo kahapon ng Shell, magtatapyas ito ng P1.10 sa presyo ng kada litro ng gasolina habang 95 sentimos ang bawas sa diesel at 90 sentimos naman sa kerosene.

Asahan ang pagsunod sa kahalintulad na bawas-presyo sa petrolyo ang ibang kumpanya ng langis ngayong Martes.

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan at demand ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa unang taya posibleng bumaba ngayong linggo ng mahigit piso ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel habang halos piso naman sa sa halaga ng kerosene.

Noong Marso 17, ,tinapyasan ng mga kumpanya ng langis ng P1.10 ang presyo ng kada litro ng kerosene, 85 sentimos sa diesel, at 50 sentimos naman sa gasolina.