Nagpaabot ng pasasalamat si Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay kay Justice Secretary Leila De lima matapos linawin ng huli na “advisory” o pagpapayo lamang ang ibinigay na legal opinion sa isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) sa anim na buwang suspensiyon ng alkalde.

Paglilinaw ni De lima ang ibinigay na legal opinion na lumabas sa mga pahayagan ay hindi maituturing na hatol at dapat sundin.

“It does not purport to adjudicate or bind anyone. It is an opinion. It is advisory in nature,” sabi ni De Lima.

Sinabi naman ni Councilor Mayeth Casal-Uy, wala na dapat dahilan para magmatigas sina Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at Vice Mayor Romulo “Kid” Peña na siya ay acting mayor ng lungsod.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Nagsalita na po si Secretary De Lima. Nagpapayo lang siya. ‘Yun ay opinyon lamang niya at hindi binabago ang hatol ng hukuman,” dugtong ng konsehal.

Nagpasalamat din si Casal-Uy sa paglilinaw ng kalihim at iginiit na panahon na upang itigil ng DILG ang pagmamatigas at sumunod sa hukuman para sa ganap na katahimikan siyudad.