Itataya ng Adamson University (AdU) ang kanilang unbeaten record kung saan ay makakatagpo ngayon ng four-time champions ang University of the Philippines (UP) sa championship round ng UAAP Season 77 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Hawak ang thrice-to-beat advantage ,akaraang walisin ang double-round eliminations, kailangan lamang ng Lady Falcons, target ang 60-game win, na magwagi ng dalawang beses upang hablutin ang kanilang ikalimang sunod na kampeonato at ika-14 sa kabuuan.

Magsisimula ang title series sa ganap na alas-9:00 ng umaga.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Umaasa naman si Lady Maroons coach Kiko Diaz na maglalaro ang kanyang tropa sa kanilang A-game upang maiposte ang isa sa pinakamalaking upsets sa kasaysayan ng liga.

“We are prepared to beat Adamson,” pahayag ni Diaz. “If Adamson wins, we give it to them, but we will do our darnedest best to win.”

Napasakamay ng UP, huling nagtagumpay noong 2008, ang ikalawang championship berth matapos ang abbreviated 9-1 victory kontra sa University of Santo Tomas (UST) sa kanilang do-or-die playoff noong Linggo.

Nagmula ang Ana Santiago-mentored Lady Falcons sa napakahabang 13-day break nang muling irehistro ang isa pang perpektong elimination round campaign.

Ang Game 2 ng huling event ng liga para sa Season 77 ay nakatakda sa Huwebes sa Rizal ballpark.