Kathryn Bernardo

SA March 26 ang 19th birthday ni Kathryn Bernardo. Sad to say, wala rito sa ‘Pinas ang teen queen sa mismong araw ng kanyang kaarawan dahil nakatakda silang pumunta sa US ng kanyang reel (and real) boyfriend na si Daniel Padilla.

“Kasi ‘yung ‘saktong March 26th, wala kami dito, nasa US kami, so baka i-celebrate ko siya nang earlier kasama ang mga friends ko, maga-out-of-town kami,” sey ni Kathryn.

Last Sunday, treat na rin niya sa KathNiel fans ang idinaos na album launch niya kasabay ng kanyang fans day sa Skydome.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

Walang masyadong funfare o bonggang selebrasyon this time.

Kung siya raw ang masusunod, non-material ang kanyang birthday wish.

“Gusto ko mas marami pa akong mapasayang mga tao this year at sana magtuluy-tuloy ang magagandang bagay na dumarating,” say ni Kathryn.

All-out na sa plugging ang teleseryeng pagsasamahan nila ni Daniel, ang remake ng Pangako Sa ‘Yo na haharapin nila ang taping pagkagaling sa kanilang US trip.

Excited na sina Kathryn at Daniel sa bagong serye nilang ito.

“Sa ngayon po ang sino-shoot muna ay mga eksena nila Jodi (Sta. Maria) at Angelica (Panganiban). Pabalik namin from US, dire-diretso na po ang taping namin ni DJ (palayaw ng teen king),” sabi pa ni Kathryn.