Ipinag-utos ng korte sa pulisya ang pag-aresto kina Mayor Antero Lim ng Goa, Camarines Sur at Vice Mayor Alfredo Gonzaga kasama ang 33 iba pa makaraang magpalabas ng warrant of arrest matapos isampa ang kasong serious illegal detention at malicious mischief.

Ito’y may kaugnayan sa kasong isinampa laban kina Lim, Gonzaga at 33 kaalyado ng aktor na tumakbong kongresista na si Aga Mulach.

Ang arrest warrant ay inilabas ni Judge Noel D. Paulite ng Regional Trial Court Branch 30 sa San Jose.

Bukod kina Lim, ipinaaaresto rin sina Municipal Councilor Alex Canacho at sina Barangay Chairman Amy De Ver ng Matacla, Redito C. Clariño ng Casuna at Siegfredo F Tolentino Jr. ng Gubat na kapwa matatagpuan sa bayan ng Tigaon.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Walang inirekomendang piyansa ang husgado para sa pansamantalang kalayaan ng mga suspek.

Nag-umpisa ang kaso sa reklamong serious illegal detention na isinampa ni Tigaon Mayor Arnie Fuentebella matapos siyang pigilan ng mga akusado na makaalis sa munisipyo ng halos dalawang araw sa kainitan ng bilangan ng boto sa noong May 2013 elections.

Natalo si Mulach sa pagka-mayor ng Tigaon habang ideneklarang wagi si Felix William Fuentebella sa naturang halalan.